Isa sa aking mga layunin para sa ating munisipalidad ay ang magkaroon ng Municipal College. Sa pagkakaroon ng Municipal College, ay makakapagbigay tayo ng Libreng Tuition sa College Education sa bawat residente dito sa ating bayan at Abot-Kayang College Education sa mga gustong mag-aral dito na hindi residente ng Tupi.
Youth Development
Sa Municipal College na ating itatayo, magkakaroon din po tayo ng mga programa tulad ng eSport Scholarship, Sport Scholarship, Academic Scholarship, School Club Funding at Student Exchange Program kung saan tutulong ito sa mga kabataan na mapalawig ang kanilang mga kakayahan at kaalamanan.
UniFast Scholarship
Kung ikaw naman ay mayroon UniFast Scholarship, mas malaki na iyong matatanggap sa CHED UniFAST Scholarship Allowance na umaabot na sa P80,000 bawat taon sa pampublikong paaralan at P120,000 sa pribadong paaaralan dahil ang kolehiyo natin ay FREE TUITION. Ang free tuition ay ayon sa batas ng RA 10687 also known as Unifast Act at RA 10931 also known as Universal Access to Quality Tertiary Education Act .
Makikipag-ugnayan din tayo sa Land Bank upang ang mga TES Grantees ay direkta na nilang makukuha ang kanilang allowance sa kanilang bank account o ATM.
TESDA Integration
Bahagi rin ng Municipal College na ating itatayo ay ang TESDA Training Facilities kung saan pwede kang matuto ng mga technical skills na magagamit mo para mas mabilis kang makahanap ng trabaho sa lokal man o abroad. Mayroon din mga programa ang TESDA na nagbibigay ng P160 per day allowance sa mga kanilang scholar kaya napakagandang opportunidad ito para maiangat ang skilled workers dito sa ating bayan.
BUDGET CONCERN
Isa sa mga katanungan na aking natataggap ukol sa aking proposition na Municipal College ay kung paano ito maiimplement at masisimulan.
Maraming paraan kung paano ito maitatayo at masisimulan. Ito ay ang mga ilan lamang na paraan.
- Bank Loan
Ayon sa submitted report sa COA ang ating munisipyo, ang ating munisipalidad ay umatang sa banko ng P120,981,000 million pesos kasama ang interest payable in 7+2 years para bumili ng mga heavy equipment. Kung pwede itong gawain sa pagbili ng heavy equipment, maaari din itong gawin sa ating Municipal College. Ang ating munisipyo ay tumatanggap ng IRA(Internal revenue Allotment) o pera galing sa ating gobyerno na higit o kumulang P208,062,325 million pesos nitong nakaraan taon at tumataas bawat taon.. - Budget Project Utilization
Nais nating tulungan ang ating munisipyo sa pag-utilize ng budget para sa mga proyekto nito upang magkaroon ng allotment para sa ating Municipal College. Ayon sa sinumiting report ng ating munispyo, ito ay gumagastos na ng 68% ng total allotted budget sa mga proyektong ginagawa nito ngunit 37.93% o 22 out of 58 projects pa lamang ang natatapos dito. Kung maisa-ayos natin ito ay pwede tayong gumawa ng budget realignment upang mapondohan ang ibang mga proyekto tulad ng pagpapatayo ng Municipal College. - Senate & Congress Budget Request
Sumasangayon sa RA 10931 ang ating proposition kaya may posibilidad na tayo ay makapag-request ng batas na magbibigay sa atin ng budget para sa istruktura ng ating Municipal College. Medyo matagal ang proseso na ito ngunit mapapabilis ito kung tayo ay makakapagbigay ng magandang proposal sa kongreso at senado. - Public-Private Partnership o PPP
Sa pamamagitan ng public-private partnership ay maaaari nating gawin ang Municipal College kung saan maaaring tumulong ang isang private sektor para maitayo ang Municipal College. Sa pamamagitan nito ay hindi na kailangan gumastos ng malaki ng ating munisipalidad para maitayo ang Municipal College. - Job Creation and Municipal Bonds Investment
Isa sa aking mga plataporma ay ang Online Jobs and Financial Workshop kung saan maaaring makatulong sa paggawa ng trabaho dito sa ating bayan. Sa paggawa ng karagdagang trabaho ay mas gaganda ang kita ng mga negosyo at tutulong ito para mapataas ang income ng ating munisipalidad. Nais rin natin na makapag-offer ng municipal bond investment sa ating mamamayan na nag-gagarantiya ng kita bawat taon. Ang mga investment na ito ay gagamitin sa paggawa ng mga straktura gaya ng Municipal College at Skateboard-BMX Park.
Ang pagbuo ng Municipal College ay hindi kailangan biglaan. Maaari tayong magsimula sa maliit na college building at ito ay i-extend na lamang kung kinakailangan.
Employment and Community Benefits
Sa pagtatayo ng Municipal College, hindi lang ang mga magulang at estudyante ang makikinabang dito dahil ito ay makakatulong din sa paglikha ng mga trabaho at negosyo.
Napakaganda ng long term benefits ng pagkakaroon ng Municipal College dahil ito ay makakapagbigay ng malaking kaginhawan sa bawat pamilya dito sa ating bayan.